Connect with us

NTC, pinagbawalan ang Facebook, Lazada at Shopee na magbenta ng “SMS blaster machines.”

Ipinahihinto ng National Telecommunication Commission (NTC) sa e-commerce platforms na Lazada, Shopee at Facebook marketplace ang pagbenta ng “SMS blaster machines”

National News

NTC, pinagbawalan ang Facebook, Lazada at Shopee na magbenta ng “SMS blaster machines.”

Ipinahihinto ng National Telecommunication Commission (NTC) sa e-commerce platforms na Lazada, Shopee at Facebook marketplace ang pagbenta ng “SMS blaster machines”.

Batay ito sa inilabas na Show Cause Order at cease and desist order ng NTC laban sa tatlong kumpanya.

Ayon sa NTC, wala silang inootorisa para mag-import, gumawa, magbenta o magpalaganap ng nasabing kagamitan tulad ng Hitech SMS Blaster, SMS Location Blasting System, at iba pang kaparehas na produkto sa kanilang platform.

Dahil dito, maituturing anila na paglabag sa Radio Control Law at iba pang regulasyon tulad ng memorandum order ng ahensya o Prohibition Of Portable Cellular Mobile Repeater and Portable Cell Site Equipment ang pagbebenta ng mga ito.

Inaatasan din ng NTC ang mga kinatawan mula sa Lazada, Shopee at Facebook na humarap sa NTC sa Oktubre 27, alas-10 ng umaga para magpaliwanag.

Matatandaang ipinag-utos ng NTC ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa emergency alert na natanggap ng mga cellphone users sa bahagi ng Hotel Sofitel nang maghain ng kandidatura si dating Senador Bongbong Marcos.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top