NTC Kamara ABS-CBN

NTC, pinagpapaliwanag ng Kamara dahil sa pagpapahinto sa ABS-CBN

National News

Pinagpapaliwanag ngayon ng House Committee on Legislative Franchises ang mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC). Ito ay kaugnay sa sa paghahain ng cease and desist order sa ABS-CBN noong Mayo 5.

Sa “show cause order” ng Komite, binigyan nito ng 72 oras ang mga sumusunod na opisyal para ipaliwanag kung bakit sila hindi ipa-cite in contempt.

Kabilang dito sina NTC Commissioner Gamaliel Cordova, Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, Deputy Commissioner Delilah Deles at NTC Legal Branch Head Atty. Ella Blanca Lopez.

Ayon kay Legislative Franchises Committee Chairman Franz Alvarez, dapat linawin ng NTC kung bakit hindi ito tumalima sa nauna nitong pahayag na bibigyan ng provisional authority ang kumpanya.

“Need lang natin munang ma-clarify kung ano talaga ang naging reasons ng kanilang pagback- track. Kasi malay mo nga naman baka merong mga ibang legalities na nangyari. Hindi naman alam diba? Kailangan nilang ipaliwanag yon kung ano man ang naging reason nila,” pahayag ni Alvarez.

Giit pa ni Alvarez, dapat nasunod ang naunang assurance ng NTC noong March 10; ito hearing na mabigyan ng provisional authority ang ABS- CBN.

“Para sa atin, talagang malinaw naman yung dapat na talagang nabigyan provisional authority; since meron namang opinion ang DOJ, may precedent, may resolusyon ang Senate, may letter tayo diba?,” saad ni Alvarez.