NTC, ipinahihinto na ang operasyon ng Sky Direct ng Sky Cable Corp.

NTC, ipinahihinto na ang operasyon ng Sky Direct ng Sky Cable Corp.

National News

Ipinahihinto na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng Direct Broadcast Satellite Service ng Sky Cable Corp.

Ito ay matapos maglabas ng cease and desist order ngayong araw ang NTC laban sa Sky Cable Corporation.

Nakasaad sa inilabas na kautusan ng NTC na matagal nang napaso ang prangkisa ng Sky Cable Corporation.

“Upon the expiration of R.A. No. 7969, Sky Cable Corporation no longer has a valid and subsisting congressional franchise to install, operate and maintain a Direct Broadcast Satellite Service,” bahagi ng nakapaloob sa kautusan ng NTC.

Ayon sa NTC, Mayo 4, 2020 nang mag-expire ang prangkisa ng Sky Cable Corp.

https://www.facebook.com/108179245888310/posts/3432613813444820/?d=n

Sa ilalim din ng kautusan ng NTC, binibigyan ng 10 araw ang Sky Cable para magbigay ng kanilang paliwanag kung bakit hindi dapat i-recall ang kanilang mga frequency.

Pinapa-refund din ng NTC ang Sky Cable sa mga subscribers nito ang halaga ng mga “unconsumed prepaid loads, deposits on subsriber equipment and devices, deposit or advance payment in monthly charges for postpaid subscribers, if any, charges collected from new applicants for DBS service, and other charges collected.”

Pirmado ang kautusan nina Comm. Gamaliel Cordoba, at Deputy Commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles.

Ang Sky Cable Corp. ay affilliate ng ABS-CBN Corporation.