Connect with us

NSA Sec. Esperon, pinabulaanan ang umano’y red-tagging ng NTF-ELCAC

Pinabulaanan ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon ang umano'y red- tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilang mga personalidad sa bansa.

National News

NSA Sec. Esperon, pinabulaanan ang umano’y red-tagging ng NTF-ELCAC

Pinabulaanan ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon ang umano’y red- tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilang mga personalidad sa bansa.

Aniya’y ginagawa lamang nito ang tungkulin para sa seguridad ng mamamayang Pilipino.

Sa isang Laging handa public briefing, muling iginiit ni NSA Sec. Esperon na wala silang ginagawang red- tagging sa NTF-ELCAC bagkus ay patuloy lamang sila sa kanilang tungkulin  na protektahan ang publiko sa pamamagitan ng pagbubunyag ng relasyon ng mga ito sa CPP-NPA- NDF.

“We are not red-tagging them. We are just informing the public about their relations with the CPP-NPA-NDF. Ang red-tagging na term ay galing iyan sa CPP-NPA-NDF na sasabihin nila, huwag ninyo kaming i-red-tag, parang depensa kaagad nila,” ayon kay Esperon.

Punto pa nito, galit lamang sila sa NTF-ELCAC at kay Lt. General Antonio Parlade Jr. dahil ngayon lang naibubunyag ang kanilang relasyon sa CPP-NPA-NDF na sa kanila din naman nanggaling.

“Hindi naman namin sila niri-red-tag, sinasabi lang namin sa public ngayon… Kaya sila galit kay General Parlade o sa amin sa NTF-ELCAC, dahil ngayon lang naibubunyag iyong kanilang relations with the CPP-NPA-NDF na sila  din naman ang nagsasabi kung ano iyong  kanilang relasyon doon.”

Muling binigyang-diin ng kalihim na ang red- tagging ay hindi nagmula sa NTF-ELCAC kundi sa mismong lider ng CPP-NPA NDF na si Jose Maria Sison.

“So iyon ang red-tagging. Sino ang nagri-red tag sa kanila? Ang red-tagging ay nanggagaling din sa kanila, kay Joma Sison at saka sila din mismo.”

Aniya, democratic revolution ang tawag nila pero ito ay walang iba kung hindi ang armed struggle na naglalayong ibagsak ang gobyerno.

Ibinahagi rin nito na noong April 24, 2021 ay lumabas si Joma Sison upang batiin ang kanyang mga kaalyado sa National Democratic Front at doon ay kanyang ibinunyag kung sino ang mga ito.

Samantala, nagpapasalamat naman ang kalihim sa lahat ng  sumusuporta na huwag i-defund ang NTF-ELCAC at sa halip ay ipagtanggol.

Dahil aniya kailangan ng pondo  para sa pagsasagawa ng mga development project gaya ng kalsada, eskwelahan, waterworks, health station at livelihood sa mga geographically isolated at depressed areas lalo na kung nagkaroon ng conflict dito.

Kung maalala, plano ng ilang mga senador na i-defund ang NTF-ELCAC dahil sa umano’y red-tagging at mas lumala pa ito ng tawagin ni Parlade na estupido ang mga senador.

More in National News

Latest News

To Top