Connect with us

NPA, criminal groups, magkasabwat sa iligal na aktibidad sa Leyte – Army

Breaking News

NPA, criminal groups, magkasabwat sa iligal na aktibidad sa Leyte – Army

Nakikipag-sabwatan na ang mga rebeldeng New People’s Army sa mga grupo ng mga kriminal para sa financial support ng mga ito.

Ito ang hayagang sinabi ng Philippine Army kasunod ng pagkakapatay sa isang dating rebelde na lider ng isang gun-for-hire group at grupong nagbebenta at gumagamit ng iligal na droga sa Leyte.

Ayon kay Brig. Gen. Zosimo Oliveros, commander ng 802nd Infantry Brigade ng Philippine Army, malinaw aniya na nahihirapan na sa pinansyal ang bandidong grupo kaya gumagawa ng mga iligal na gawain para suportahan ang kanilang armadong pakikibaka.

“This is one indication that the NPA has lost their supporters, prompting them to tie up with criminal groups to sustain their efforts to destroy the government,” pahayag ni Oliveros.

Noong Abril 8 nang masawi sa isang shootout ng pinagsanib na pwersa ng militar, pulis at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dating na si Nicolas ‘Botoy’ Ibañez sa isang operasyon sa Anislagan, Calubian, Leyte.

Isisilbi na sana ng pwersa ng gobyerno ang warrant of arrest laban kay Marlon Mendoza na isa ring dating rebelde at tauhan ni Ibañez dahil sa mga kasong pagpatay nang manlaban ito.

Tumagal nang limang minuto ang nangyaring barilan na ikinasawi ni Ibañez, wala namang na nasaktan sa panig ng gobyerno.

Nasamsam ng mga awtoridad ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang caliber .45 pistol, isang AK-47 rifle, isang M16 rifle, isang baby Armalite, mga magazine at bala.

Ayon kay Oliveros, may malapit na ugnayan si Mendoza at ibañez kay Juanito Silleza Jr. na isa sa mga NPA commander sa Leyte.

Samantala, nagpasalamat naman ang militar sa mga sibilyan sa pagbibigay ng impormasyon sa lokasyon ng mga miyembro ng NPA at sa mga grupong nauugnay sa komunistang teroristang grupo.

More in Breaking News

Latest News

To Top