Connect with us

Notre Dame University, binigyang-linaw ang estado ng pag-aaral ni Sen. Pacquiao

Naglabas na ng pahayag ang Notre Dame Dadiangas University (NDDU) ukol sa estado ng naging pag-aaral ni Sen. Manny Pacquiao.

National News

Notre Dame University, binigyang-linaw ang estado ng pag-aaral ni Sen. Pacquiao

Naglabas na ng pahayag ang Notre Dame Dadiangas University (NDDU) ukol sa estado ng naging pag-aaral ni Sen. Manny Pacquiao.

Ayon sa pahayag ng paaralan, taong 2007 hanggang 2008 nag-enroll ang senador sa ilalim ng  Bachelor of Science and Business Administration Program major in marketing management.

Sa panayam ng SMNI News sa presidente ng Notre Dame Univeristy na si Bro. Manuel de Leon, naging mag-aaral ng unibersidad si Pacquaio at dito ito nag freshmen matapos makapag-graduate ng highschool sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).

Paglilinaw ng paaralan, 1st year lamang ito nag-enroll at hindi na muling nagpalista para sa susunod na taon nitong pag-aaral.

At dahil naman sa pinapatutupad na CHED guidelines at data privacy act ng  2012 na mahigpit na sinusunod ng paaralan ay  hindi na ito nagpalabas ng anumang official records o nagbigay ng anu mang detalye sa records ng senador.

Samantala, sa nilabas na pahayag,  April 27, 2017 lamang nag-request ng Certificate of Transfer Credential o honorable dismissal ang University of Makati (UMak) na naibigay naman ng NDDU noong September 18, 2019.

Layon naman ng SMNI News na mabigyang linaw ang kontrobersiyal na estado ng pag-aaral ni Pacquiao matapos ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy na nararapat na mapatunayan ng senador ang mga naging pahayag nito bilang opisyal ng pamahaalan at para na rin sa taong bayan.

Kung susumahin, mahigit kumulang 10 taon bago nagpadala ng rekwes ang UMak at maaring isipin na sa mga taon matapos itong mag-enroll sa NDDU ay hindi na ito muling nag-enroll taliwas sa sinasabi ng senador na 11 taon itong nag-aral.

Sa normal na proseso, kinakailangan ang mga nasabing credentials upang makapag-enroll muli sa isang paaralan, ibig sabihin kung 2017 nag-request ang UMak ay maaring 2017 pa lamang muling nag-enroll ang senador mula noong 2008.

Ang malaking katanungan sa ngayon, ay kung saan o nag enroll nga ba ang senador mula 2009 hanggang 2017 bago humingi ang University of Makati ng credentials ng senador sa NDDU.

Samantala, hangad naman ng pamunuan ng NDDU sa pangunguna ni Bro. Manuel de Leon na mabigyang linaw ang naturang isyu.

Aniya, mananatili sila sa katotohanan at naninindigan na walang nilabag ang Notre Dame Dadiangas University.

More in National News

Latest News

To Top