Connect with us

Notorious NPA leader, patay sa engkwentro sa Quezon

Patay ang notoryus na lider ng New People's Army (NPA) matapos makaengkwentro ang tropa ng gobyerno sa Barangay Masaya, Buenavista, Quezon.

Regional

Notorious NPA leader, patay sa engkwentro sa Quezon

Patay ang notoryus na lider ng New People’s Army (NPA) matapos makaengkwentro ang tropa ng gobyerno sa Barangay Masaya, Buenavista, Quezon.

Ayon kay 2nd Infantry Division spokesperson Captain Jayrald Ternio, kinilala ang nasawi na si Ronnel Batarlo alyas Marwin.

Napag-alaman na ang grupo ni Batarlo ang responsable sa pananambang sa pulis sa Barangay San Juan, San Narciso, Quezon noong Pebrero 2020.

Sila rin ang nakaengkwentro ng tropa ng gobyerno sa Barangay Bulo, Mulanay, Quezon, tatlong araw na ang nakalilipas.

Nakuha sa kanya ang M16 rifle at M203 grenade launcher.

No description available.

Samantala, stable na ang kundisyon ng sundalong nasugatan sa engkwentro at nagpapagaling na sa ospital.

More in Regional

Latest News

To Top