Nanawagan si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na madaliin ang pagbebenta ng mga "toxic" o non-performing assets na dagdag pondo para sa COVID-19.

Non-performing assets ng pamahalaan ibenta para sa COVID-19 funds

National News

Nanawagan si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na madaliin ang pagbebenta ng mga “toxic” o non-performing assets para makatulong sa paglikom ng  karagdagang pondo na magagamit sa gitna ng pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Senadora hindi sapat ang 140 billion pesos na inilalaan mga economic manager sa ikalawang stimulus package.

Sa kanyang inihaing Senate Bill 1646 o Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act, nais ni Marcos na makabuo ng specialized asset-managing corporation na siyang maglilinis mula sa mga pagkakautang at di mapakinabangang mga ari-arian ng mga lending institutions.

Babala ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na  dadami pa ang mga hindi makakabayad ng utang bunsod ng patuloy na kahirapan dulot ng pandemya na magpapadagdag lang ng non-performing assets sa financial instituions, pribadong bangko at invesment houses.

Sinabi ni Marcos na katulad ng mga tinatawag na Special Purpose Vehicles (SPVs) na binuo sa kasagsagan ng 1997 Asian financial crisis, ang mga FIST corporations na bubuuin sa ilalim ng panukala ang tutugon sa banta ng pandemya sa pambansang ekonomiya.

Aniya, dahil sa SPV,napababa ng nasabing stratehiya ang dami ng mga problemadong pautang mula sa 14.6% noong 2001 hanggang 5.1% na lamang ng lahat ng pautang noong 2005.

Daan-daang bilyon din aniya ang nagawa sa pagbenta ng mga toxic assets at napadaloy sa sistemang pinansyal ng banaa.

Dagdag pa ni Marcos, ang tax privileges at fee exemption na ibibigay sa mga FIST corporations ang hihimok sa pagbuo nito sa panahon ng tumitindi ang krisis sa pinansyal.