“No work, no pay policy”, ipatutupad bukas

National News

Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa pribadong sektor ang pay rules para sa mga manggagawa bukas, Pebrero 25.

Ito ay dahil idineklarang special non-working holiday ang nasabing petsa bilang paggunita sa 34th anniversary ng EDSA People Power Revolution.

Alinsunod sa pay rules, makatatanggap ng karagdagang 30 % ng kanilang daily rate ang mga papasok sa trabaho bukas subalit mahigpit na ipatutupad ang “no work, no pay policy.”