Task Force na tututok sa pangangailangan ng mga pulis na frontliners, binuo ng PNP

“No Face Mask, No Entry”, hindi ipatutupad sa Camp Crame

National News

Walang plano ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang “No Face Mask, No Entry” sa Camp Crame sa Quezon City sa kabila ng banta ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, hindi ito praktikal dahil 8 oras lamang ang itatagal ng face mask.

Magiging magastos anya ito kung oobligahin ang nasa dalawang libong pulis na magsuot ng face mask.

Sinabi ni Gamboa na ang mandatory ay ang paglalagay ng alkohol sa mga istasyon ng pulis.

Sa ngayon, tanging ang PNP Anti-Kidnapping Group ang nagpapatupad ng “No Face Mask, No Entry” sa kanilang tanggapan.