Connect with us

News correspondents mula sa iba’t ibang panig ng mundo, pinarangalan sa kauna-unahang SMNI Agila Awards

Sa kauna-unahang pagkakataon kinilala ng SMNI ang ipinamalas na galing ng mga news correpondents nito mula sa iba’t ibang panig ng bansa at sa buong mundo

National News

News correspondents mula sa iba’t ibang panig ng mundo, pinarangalan sa kauna-unahang SMNI Agila Awards

Sa kauna-unahang pagkakataon, kinilala ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang ipinamalas na galing ng mga news correpondents nito mula sa iba’t ibang panig ng bansa at sa buong mundo lalong-lalo na sa paghahatid ng totoong balita sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Itinuturing na kasama sa mga frontliners sa gitna ng COVID-19 pandemic ang mga mamamahayag upang matiyak na maihatid ang mga balitang dapat malaman ng publiko.

Isa ang SMNI ang naghahatid ng pinakahuling balita lalong-lalo na kaugnay sa covid-19 pandemic.

Hindi lamang sa mga nangyayari dito sa loob ng bansa kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo katuwang ang mga media bureaus nito.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay binigyang pagkilala ng SMNI ang ipinamalas na galing at katapangan ng mga news correspondents nito na sa kabila ng mataas na tsansa na pwede mahawaan ng sakit ay hindi ito alintana maipabatid lang sa publiko ang katotohanan dahil ang SMNI, totoo magbalita.

Sa mensahe ni ng founding chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy ay muli nitong binigyang diin ang mga pundasyon ng pagbabalita isa sa pinakamalaking network sa bansa.

7 kontinente at mahigit 40 bansa ang nakipagtunggali sa mahigit 50 awards sa SMNI Agila Awards.

Ilan sa mga binigyang pagkilala ang mga news correspondents na nagpakitang gilas sa paghahatid nito ng balita dito sa loob ng bansa.

At mga international correpondents na hindi alintana ang time zone, extreme weather conditions at iba pang mga kinaharap na hamon maihatid lang ang katotohanan sa kanilang pagbabalita.

Ilan sa mga media bureau na binigyang pagkilala ay ang mga nagpamalas ng galing sa kanilang mga lugar gaya ng mga media bureau mula sa – Japan, Malaysia, South America, Canada at USA.

Nasa gitna man ngayon ng pandemya ang buong mundo pero hindi ito naging hadlang sa paghahatid ng balita ng SMNI dahil na rin sa mandato na ibinigay ni Pastor Apollo C. Quiboloy na tiyaking totoo, patas at makabuluhan ang mga ibinabalita na kapaki-pakinabang sa taumbayan.

More in National News

Latest News

To Top