Connect with us

Net satisfaction rating ni VP Leni, tumaas

Net satisfaction rating ni VP Leni, tumaas

National News

Net satisfaction rating ni VP Leni, tumaas

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipino na nasisiyahan sa performance ni Vice President Leni Robredo.

Batay sa 4th quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) noong 2019, tumaas sa +36 ang net satisfaction ratings ni Robredo mula sa +33 rating nito noong September 2019 na pawang nasa “good” rating.

Ayon sa SWS, 59% sa mga respondent ang nagsabing nasisiyahan sila sa performance ni Robredo habang 23 % ang hindi.

Nanatiling namang “very good” o +62 ang nakuhang net satisfaction ni Senate President Tito Sotto habang “very good” rating din o +53 ang nakuha ni House Speaker Alan Cayetano.

Nakakuha naman ng +21 o “moderate” rating si Chief Justice Diosdado Peralta.

Samantala, nasisiyahan pa rin ang publiko sa performance ng Senado at Kamara na pawang nakakuha ng “very good” rating habang “good ratings” naman ang Supreme Court at Cabinet.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 13 hanggang 16 noong nakaraang taon sa pamamagitan ng Face-to-Face interview sa 1,200 respondents.

More in National News

Latest News

To Top