Connect with us

NCRPO, umaming hindi sapat ang ebidensya sa kaso ni Christine Dacera

Inamin ni National Capital Region Police Office Chief Brigadier General Vicente Danao Jr. na hindi sapat ang nakalap na ebidensya ng Makati City Police nang sampahan nito ng provisional charge of rape with homicide ang na 11 suspect sa pagkamatay ni Christine Dacera.

National News

NCRPO, umaming hindi sapat ang ebidensya sa kaso ni Christine Dacera

Inamin ni National Capital Region Police Office Chief Brigadier General Vicente Danao Jr. na hindi sapat ang nakalap na ebidensya ng Makati City Police nang sampahan nito ng provisional charge of rape with homicide ang na 11 suspect sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Ayon kay Danao, hindi na siya kumbinsido nang mabasa niya ang mga dokumento ngunit naipasa na ang mga ito.

Dagdag ni Danao, sakabila ng kakulangan ng ebidensya ay itutuloy pa rin nila ang isasagawang imbestigasyon sa mga suspek.

Sa ngayon ani Danao, ang mahalaga ay matukoy kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay ni Christine upang makita nila at maiwaan nang maulit muli ang pangyayaring ito.

Matatandaan na natagpuang walang malay si Dacera sa isang bathtub ng isang hotel room sa Makati City kung saan ipinagdiwang nito ang bagong taon kasama ang mga kaibigan nitong lalaki.

Samanatala, naiuwi na sa General Santos City ang labi ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera.

3:20 ng madaling araw nang dumating na nga ang labi ng yumaong flight attendant sa PAL cargo terminal para iuwi na ito sa kanyang home town.

Habang ang kamag-anak at kaibigan ni Christine ay dumating naman sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ng alas-6 ng umaga

Lulan ng Philippine Airlines Flight PR 453 ang labi ni Christine at mga kamag-anak nito na umalis pasado alas-8 kaninang umaga.

Matatandaan bago pa man dinala sa PAL cargo ang katawan ni Christine ay una na itong dinala sa Camp Crame kung saan nailagak pansamantala ang mga labi ng yumaong flight attendant para sa final viewing.

Samantala bago paman umalis ay nagpaabot ng pasasalamat si Sharon Dacera ang ina ni Christine dahil sa patuloy na suporta sa kanilang pamilya habang umaasa pa rin na mabibigyan ng hustiya ang pagkamatay ng dalaga.

More in National News

Latest News

To Top