Connect with us

NCRPO, inalerto laban sa mass gatherings sa gitna ng pagtaas ng Delta variant

Pinaalalahanan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit na ipatupad ang quarantine rules at maging alerto laban sa mass gatherings sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Metro News

Ito ay matapos magbabala ang OCTA research group sa publiko sa pagdalo sa mga pagtitipon dahil sa pagsipa ng kaso ng mas nakahahawang variant ng coronavirus.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, sa mahigit isang taong pakikipaglaban sa banta ng COVID-19, napakarami pa ring mga kababayan natin ang nasisita at nahuhuli dahil sa iba’t ibang uri ng paglabag sa health safety protocols.

Nakakalungkot anya na sa kabila ng paulit-ulit na paliwanag at mga ulat sa epekto ng COVID-19, lagi pa rin nauuwi sa sitahan at arestuhan na puwede namang hindi na kung isasapuso lang ng bawat isa ang pag-iingat.

Hinihintay ng pulisya ang desisyon mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung ipatutupad ang circuit-breaker o dalawang linggong lockdown sa Metro Manila.

More in Metro News

Latest News

To Top