Sinas humingi ng paumanhin

NCRPO Chief Sinas, humingi ng paumanhin sa nangyaring birthday celebration

National News

Humingi ng paumanhin si Metro Manila police chief PMGen. Debold Sinas sa pagkabahala na idinulot sa publiko ng kanyang birthday celebration.

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Sinas na wala sa kanyang intensyon na suwayin ang mga panuntunan sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

“I apologize for what transpired during my birthday that caused anxiety to the public. It was never my intention to disobey any existing protocols relative to the implementation of Enhanced Community Quarantine,” saad ni Sinas.

Ipinaliwanag naman ni Sinas na ang nangyari noong Mayo 8 ay isang Mañanita na tradisyunal na ginagawa sa mga opisyal ng PNP at PMA.

“Overjoyed as a birthday celebrant, I was caught up with a traditional Mañanita spontaneously conducted by some of my officers and men in their own volition,” dagdag pa ng NCRPO chief.

 

 

Iginiit din ng PNP official na sinusunod nila sa panahong iyon ang mga ipinapatupad ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19.

“In all actuality, my accommodation to them was done with all cautiousness because I am fully aware of the Anti Covid measures being implemented by the government. They were told to observe social distancing and other precautionary health measures. They were also told not to linger and prepare for the simultaneous relief distribution NCR-wide that day.”

Idinagdag din nito na may kumakalat na larawan sa social media na mga edited at kuha mula sa mga lumang posts.

“Some of the pictures circulating in the social media were edited and grabbed from old posts. The pictures may depict itself however it does not define the totality of what really had happened.”

Sa huli ay tiniyak ni Sinas na nananatiling sumusunod sa patakaran ng pamahalaan ang NCRPO sa panahon ng COVID-19 crisis.

“Rest assured that the NCRPO remains its adherence to the words and guidance of our President and the Chief, PNP.”