Connect with us

NCRPO chief Debold Sinas, nararapat mabigyan ng promosyon

Sinas humingi ng paumanhin

National News

NCRPO chief Debold Sinas, nararapat mabigyan ng promosyon

Hindi aalisin sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Debold Sinas sa kabila ng reorganisasyon sa kanilang hanay.

Ayon kay Cascolan, patuloy ang ebalwasyon sa trabaho ni Sinas dahil nararapat itong mabigyan ng promosyon.

Naniniwala ang chief PNP na bagay si Sinas na umangat sa directoral staff o sa iba pang pwesto.

Nito lamang Mayo, naging kontrobersyal si Sinas dahil sa Mañanita kung saan hindi umano nasunod ang physical distancing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ikinukunsidera rin ni Cascolan si police Regional Office Calabarzon Director Police Brigadier General Vicente Danao na maging hepe ng NCRPO.

More in National News

To Top