NCR Laguna Cebu ECQ

NCR, Laguna, at Cebu City, isasailalim sa modified ECQ simula May 16-31

National News

Isasailalim na sa modified enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region simula sa May 16.

Kabilang rin dito ang probinsya ng Laguna at Cebu City. Sa ilalim ng modified ECQ, may ilang industriya na ang maaari nang payagang mag-operate.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa ginanap na press briefing.

Paglilinaw ni Roque, ECQ pa rin pero may kaunting mga industriya lamang na papayagang magbukas.

Ilalabas naman ngayong araw, Mayo 13, ang pinal na listahan ng mga industriya na papayagan nang magbalik-operasyon.

Sa ilalim ng modified ECQ, limitado lamang ang transportation services at hanggang 50% lang ang workforce.

Dagdag pa ni Roque, may mga lugar sa modified ECQ na mananatili sa ECQ dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ang mga lokal na pamahalaan naman ang tutukoy sa mga high-risk areas na ito na may kasamang koordinasyon sa regional inter-agency task force.