Connect with us

NBI, may initial report na kaugnay ng shooting incident sa Sulu – DND

Malapit nang matapos ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau Investigation (NBI) sa shooting incident sa Jolo, Sulu kung saan 4 na sundalo ang nasawi.

National News

NBI, may initial report na kaugnay ng shooting incident sa Sulu – DND

Malapit nang matapos ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau Investigation (NBI) sa shooting incident sa Jolo, Sulu kung saan 4 na sundalo ang nasawi.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa kamay na ni Interior Secretary Eduardo Año ang initial report ng NBI.

Naniniwala ang kalihim na mabibigyang linaw ang insidente lalo’t may mga testigo at CCTV footage kaugnay nito.

Kinausap na rin Lorenzana ang mga commander ng Philippine Army at kanyang pinagsabihan na huwag magpadala sa emosyon ng nangyari sa pagitan ng mga pulis at sundalo.

Sulu incident, hindi makakaapekto sa relasyon ng PNP at AFP ayon kay PNP chief Archie Gamboa

Tiniyak naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa na hindi maaapektuhan ng nangyari sa Jolo, Sulu ang professional relationship nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa katunayan, magkatabi pa sa upuan sina Gamboa at AFP chief of staff General Filemon Santos sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF).

Samantala, Binawi rin ng PNP ang kanilang pahayag na “misencounter” ang nangyari sa pagitan ng mga pulis at mga miyembro ng Philippine Army kung saan apat na sundalo ang nasawi.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, shooting incident ang nangyari kung saan sinasabing tinutukan ng baril ng mga nasawing sundalo ang mga pulis.

Pero agad nagpaputok ng baril ang mga miyembro ng Jolo Municipal Police Station.

Sinabi pa ni Banac na sinibak sa pwesto ang siyam na pulis na sangkot sa insidente habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon sa mga ito.

Pagsibak sa hepe ng Jolo Municipal Police Station, dahil sa protocols at hindi sa pahayag ng pinuno ng Philippine Army

Nilinaw ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na walang kinalaman sa panawagan ni Philippine Army chief Lieutenant General Gilbert Gapay ang pagsibak sa hepe ng Jolo Municipal Police Station.

Una nang sinabi ni Gabay na dapat sibakin ang police commanders matapos ang insidente sa Jolo, Sulu kung saan apat na sundalo niya ang nasawi.

Ayon kay PRO-BARMM Regional Director Police Brigadier General Manuel Abu, ang pagsibak sa pwesto kay Police Lieutenant Colonel Walter Annayo ay alinsunod sa protocols na umiiral sa PNP.

Nasa kustodiya ng Sulu Provincial Police Office si Annayo habang pansamantalang hahalili sa kanya si Police Lieutenant Colonel Filmore Calib.

More in National News

Latest News

To Top