Connect with us

NBI, inilabas na ang resulta ng isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Dacera

Nakatakdang magpaliwanag ngayong araw ang kampo ng mga tinaguriang big five sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

National News

NBI, inilabas na ang resulta ng isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Dacera

Nakatakdang magpaliwanag ngayong araw ang kampo ng mga tinaguriang big five sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Kasunod ito sa inilabas na resulta mula sa isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa NBI, December 27, 2020 nang magplano ang grupo ni Christine na magpabook para sa isang overnight stay sa City Garden Grand Hotel sa Makati City mula December 31,2020 hanggang January 1,2021.

Agad namang naibook sina Christine at mga kaibigan sa tulong ng kaibigan din nito na nagtatrabaho sa hotel.

Una nang naibook ang grupo ni Dacera sa room 2309 at lumipat sa room 2209 dahil sa problema sa air conditioning unit.

Ayon sa duty manager ng hotel, nakita pa sina Dacera at mga kaibigan nito na umiinom ng hard liquors.

Sumunod dito ay dinala si Christine ng nag-ngangalang ED at ipinakilala sa room 2207 kung saan nandoon ang isa nitong kaibigan na si Dheej.

Makikita na sa CCTV na pabalik-balik sa dalawang kwarto ang grupo nina Christine hanggang sa natagpuan itong wala nang buhay sa isang bathtub bandang 12:30 noong January 1, 2021.

Samantala, mula sa re-autopsy na ginawa ng PNP crime laboratory, sa bangkay ni Christine, sinabing aortic aneurysm ang ikinamatay nito.

Sa toxicology report naman, nagpositibo sa diltiazem ang biktima, isang prescriptive drug na ginagamit para sa pagkontrol sa hypertension o highblood.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng NBI, napatunayan na paiba-iba ang pahayag ng PNP kaugnay sa autopsy result ni Christine.

Isa na dito ang pahayag ng PNP na wala silang nakuhang urine sample taliwas naman ito sa nakuhang 130 ML urine sample ng NBI forensic team sa urinary bladder ni Christine at wala ring nakitang sugat sa pribadong bahagi ng biktima.

Mayroon ding ibinigay na dalawang pirasong bulak na nakita sa loob ng room 2209 kung saan nagposiitibo ito sa flouromethamphetamine at methamphetamine o iligal na droga.

Sa testimonyang nakalap ng NBI mula sa mga tao na nasa room 2207, sinabing bandang alas- tres ng madaling araw nang magtungo si christine sa room 2207 at sinabing hindi nito gusto makasama ang mga kaibigan sa room 2209 dahil sa kalanguan sa paggamit ng party drugs.

Mula sa nasabing ebidensiya, patung-patong na kaso ang inihabla ng NBI-Death Investigation Division (DID) laban sa 11 suspek sa pagkamatay ni Chrisitne Dacera.

Ayon sa ipinilang dokumento ng NBI-DID,dawit sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 sina Mark Anthony Rosales dahil sa pagdadala nito ng party drugs.

Kasama rin si Rommel Gallido sa lumabag sa Sec. 3 ng R.A 9165 dahil sa pagdadala at pamimigay ng party drugs sa mga kasamahan nito habang nsa kasagsagan ng kanilang New Years Eve party.

Sinampahan din ng kasong perjury sina Rommel Gallido, John Pascuall Dela Serna III, at Macalla dahil sa hindi totoong testimonya na sinabi nito sa interogasyon.

Obstruction of justice naman ang kakaharapin ngayon nina Rosales, Gallido, Dela Serna, de Guzman, Rapinan, Chen, Englis Macalla at Atty. Maroto dahil sa pagbibigay ng maling impormasyon upang ilihis ang at pigilan ang mga otoridad na arestuhin ang mga susek.

Nahaharap din sa reckless imprudence resulting to homicide sina Dela Serna, Rappinan, Chen, t De Lima dahil sa kapabayaan ng mga ito sa kondisyon habang nag-aagaw buhay si Christine.

Sinampahan din ng kasong falsification of official document by public officer si PPolice Major Sarmiento kaugnay sa hindi nito pagsasabi ng katotohanan sa inilabas nitong autopsy report mula sa bangkay ni Christine

Paglilinaw ng NBI, walang epekto ito sa nauna nang isinampang kaso ng PNP laban sa mga suspek na rape with homicide.

More in National News

Latest News

To Top