NBA players na positibo sa COVID-19, nadagdagan

NBA, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19

Sports

Walang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang National Basketball Association (NBA) sa isinagawa nitong latest round ng COVID-19 testing sa nasa 346 nitong manlalaro.

Base sa pahayag ng NBA, isinagawa nila ang test noong nakaraang July 13.

Matatandaan na noong July 13, dalawa sa mga manlalaro ng NBA ang nagpositibo sa COVID-19 pagkadating ng mga ito sa Orlando kung saan naghahanda ang mga ito sa panunumbalik ng liga ngayong buwan.

Gayunman, wala sa mga manlalarong ito ang binigyan ng clearance at hindi nakapasok sa loob ng bubble ng NBA sa Disney World.

Matatandaan na nakansela ang ongoing regular season ng NBA noong nakaraang March bunsod ng COVID-19.

Nakatakdang manumbalik ang naudlot na season ng liga sa July 30.