Connect with us

NBA players na positibo sa COVID-19, nadagdagan

NBA players na positibo sa COVID-19, nadagdagan

Sports

NBA players na positibo sa COVID-19, nadagdagan

Nadagdagan pa ang bilang ng mga NBA players ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos na kumpirmahin ng pamunuan ng Los Angeles Lakers na nagpositibo ang kanilang 2 manlalaro na hindi naman pinangalanan.

Sinabi rin ng Lakers, na asymptomatic ang 2 player na ngayon ay naka quarantine na.

Una namang kinumpirma ng Boston Celtics player na si Marcus Smart na nagpositibo ito sa naturang sakit at kasalukuyan na aniya siyang naka-self quarantine.

Magugunita naman na una ng kinumpirma ng Brooklyn Nets na 3 manlalaro nito ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang si Kevin Durant habang nagpositibo rin sa naturang virus sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz.

More in Sports

To Top