Connect with us

NBA all star game, magpapatuloy sa kabila ng COVID-19 pandemic

NBA all star game, magpapatuloy sa kabila ng COVID-19 pandemic

Sports

NBA all star game, magpapatuloy sa kabila ng COVID-19 pandemic

Ipagpapatuloy pa rin ng NBA ang 2021 all-star game nito sa March 7 sa kabila ng bilang ng mga top players na nagpaparating ng kanilang pagkabahala sa pagdaos ng exhibition game sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Ang NBA ay maghahanda ng private travel para sa mga lalahok sa all-star game at katuwang ang National Basketball Players Association ay magdo-donate ito ng higit $2.5 million sa Historically Black Colleges and Universities (HBCUS) at COVID-19 relief efforts.

Matatandaan na kabilang si Lebron James sa isa sa mga most high-profile player ng liga sa mga nagparating ng kanilang pagkabahala sa pagdaos ng all-star game sa kalagitnaan ng pandemya.

Ang isa sa health at safety protocols na ipatutupad ng NBA para sa all-star ay ang paggawa ng “mini bubble” environment sa loob ng isang hotel para sa mga manlalaro at coaches at enhanced COVID-19 testing.

Imbes na mag-schedule ng iba’t ibang events sa loob ng buong weekend, sinabi ng NBA na idaraos nila ang all-star game, three point contests, skill competition at slam dunk contest sa iisang araw lamang.

More in Sports

Latest News

To Top