Connect with us

Natutulog na impeachment complaint laban kay Leonen, kinuwestyon sa Kamara

Kinuwestyon ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor kung ano na ang nangyari sa inihaing impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

National News

December 7, 2020 pa nang ihain ang impeachment laban kay Leonen ng isang Edwin Cordevilla na Secretary General ng grupong Filipino League of Advocates for Good Government o FLAGG.

Si Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba naman ang nag-endorso ng impeachment complaint.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang paggalaw ang liderato sa impeachment case.

Sa parliamentary inquiry ni Defensor, ipinunto nito na paso na sa itinakdang 10 session days ang reklamo para mai-refer sa House Committee on Justice.

More in National News

Latest News

To Top