Connect with us

Nationwide road clearing operations, nagpapatuloy – DILG

Maayos ang isinasagawang nationwide clearing operations ng pamahalaan sa ilang linggong pagsisimula ng operasyon.

National News

Nationwide road clearing operations, nagpapatuloy – DILG

Maayos ang isinasagawang nationwide clearing operations ng pamahalaan sa ilang linggong pagsisimula ng operasyon.

Ito ang iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya sa laging handa public briefing.

Aniya, nagsimula ang naturang clearing operations noong Nobyembre a-16 at matatapos naman sa Enero a-15 sa susunod na taon.

Samantala, inihayag ng opisyal na kinakalap pa ng DILG ang reports mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa kaugnay ng datos ng road obstructions na naresolba na nitong mga nakalipas na linggo.

Umapela naman ang ilang Local Government Units (LGUs) sa DILG na kung maaari ay gagawin nila ang kanilang pinal na road clearing pagkatapos na ng Christmas holiday.

Ito’y sa harap na mayroong mga tiangge na pinapayagan ng LGUs ngayong holiday season alinsunod sa umiiral na ordinansa.

Gayunman, iba-iba ang target ng bawat LGU, nakadepende sa quarantine classification ng kanilang lugar.

Nagbabala naman ang DILG sa mga lumalabag sa gitna ng ipinatutupad na clearing operations ng pamahalaan.

Kaugnay nito, pinaigting pa ng ahensya ang kanilang koordinasyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at LGUs patungkol dito.

Umaasa naman ang DILG na tatalima ang publiko sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at DILG para mas mapagaganda ang daloy ng trapiko kapag natanggal na ang road obstructions.

January 15 sa susunod na taon ang deadline para sa nationwide clearing operations at magsisimula naman ang validation ng LGUs sa January 18.

Isang lingo ang gagawing validation ng LGU, kasama ang DILG, ang Philippine National Police, at ang Bureau of Fire Protection.

Iikot ang DILG sa mga LGU upang tingnan ang assessment kaugnay ng road clearing operations.

 

 

More in National News

Latest News

To Top