Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi kumpletong maiuuwi sa bansa ang labi ng mahigit sa 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) na namatay sa Saudi Arabia.

Nasawing OFWs sa Saudi, hindi lahat maiuuwi sa Pilipinas-DOLE

National News

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi kumpletong maiuuwi sa bansa ang labi ng mahigit sa 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) na namatay sa Saudi Arabia.

Ipinaliwanag Labor Secretary Silvestre Bello III na ang 23 labi ng mga OFWs ay inilibing na ng gobyerno ng Saudi, bagamat 20 lang sa mga inilibing ang may pahintulot ng pamilya.

Samantala, 4 naman sa mga nasawi ang naiuwi na ng kanilang pamilya dito sa Pilipinas kaya 274 na lang aniya ang kanilang iuuwi dito sa bansa.

129 sa kanila ang nasawi dahil sa COVID-19 habang 145 naman ay dahil sa ibang sakit o aksidente.

Tiniyak naman ni Bello na ginagawa na nila ang lahat ng pamamaraan at target nila na maiuwi sa Pilipinas ang labi ng mga OFWs sa July 4.

Maaalala na umapela ang kapamilya ng mga nasawing mga OFW na ipauwi ang kanilang mahal sa buhay upang kanilang mailibing ng maayos.