Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi kumpletong maiuuwi sa bansa ang labi ng mahigit sa 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) na namatay sa Saudi Arabia.

Mga OFW na nasawi sa Saudi Arabia, nais maiuwi ng kanilang pamilya

National News

Umapela sa gobyerno ang pamilya ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi dahil sa COVID-19 sa Saudi Arabia na maiuwi ang kanilang mga mahal sa buhay sa bansa.

Sa open letter sa Philippine Government, sinabi ng pamilya ng mga OFW na tanging hiling lamang nila na maiuwi sa huling pagkakataon at mabigyan ng tamang libing ang mga kinokonsiderang mga bagong bayani ng bansa.

Binanggit rin ng mga ito ang pahayag ng World Health Organization (WHO) na hindi ‘infectious’ ang mga labi sa gitna na rin ng takot ng marami sa repatriation ng mga nasawi sa virus.

 

Sa kabila nito, tiniyak ng grupo na handa silang makipagtulungan at sumunod sa mga patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) at sa mga protocol sa pagdating ng mga labi.

Bukod dito, handa rin sila na magpadala lamang ng isang kinatawan kada pamilya para kunin ang labi ng kanilang mahal sa buhay.
una nang sinabi ng Department of Labor and Employment(DOLE) na doon na lamang ililibing ang labi ng nasa 50 OFW na nasawi dahil sa virus.