Connect with us

#Nasapusokoangpangulo, nag-trending sa social media

Matapos ang pag-trend ng #nasaanangpangulo ay kumakalat naman ngayon sa social media ang panibagong hashtag na #nasapusokoangpangulo.

National News

#Nasapusokoangpangulo, nag-trending sa social media

Matapos ang pag-trend ng #nasaanangpangulo ay kumakalat naman ngayon sa social media ang panibagong hashtag na #nasapusokoangpangulo.

Number 1 trending kagabi ang naturang hashtag na pinakalat ng mga tagasuporta ng pangulo kasunod ng pagpapaliwanag nito hinggil sa kaniyang ginawang mga aksyon at pagtugon sa sunod-sunod na unos na kinaharap ng bansa.

Nagpasalamat naman si Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar sa publiko sa patuloy na pagsuporta sa administrasyon sa kabila aniya ng paninira ng mga kritoko at oposisyon.

Kasabay nito, umapela si Andanar sa publiko na maging maingat laban sa maling impormasyon patungkol sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno.

Tiniyak din ng kalihim na tuloy-tuloy ang ginagawang aksyon ng pamahalaan sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Gayundin sa lahat ng pangangailangan ng bansa.

Giit ni Robredo, nakipag-ugnayan lamang siya sa militar at hindi ito nagbigay ng utos

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na nakipag-ugnayan lamang siya sa militar upang iligtas ang mga residenteng apektado ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Ulysses, taliwas sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Robredo, nagpahatid lamang siya ng distress calls sa kung sino ang mga maaaring tumulong kasama na ang militar, pulis at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Sa televised address ni Pangulong Duterte, sinabi nito na hindi susundin ng militar si Robredo dahil sa hindi ito parte ng command at dagdag pa nito, pinalabas ng bise presidente na siya ang nanawagan sa mga uniformed personnel upang tumulong sa mga biktima ng baha.

Inakusahan din ni Pangulong Duterte si Robredo na ito umano ang nagpasimuno ng #nasaan ang pangulo na nag-trending sa twitter.

Mariin naman itong pinasinungalingan ni Robredo at sinabing maaaring may mga nagbibigay ng maling impormasyon sa pangulo.

More in National News

Latest News

To Top