Connect with us

“Nasaan Ka Bakuna?” ni Sen. Lacson, sinagot ng NTF

Nilinaw ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na global supply ang itinuturong dahilan kung bakit mabagal ang pagdating ng COVID-19 vaccine sa bansa.

National News

“Nasaan Ka Bakuna?” ni Sen. Lacson, sinagot ng NTF

Nilinaw ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na kakulangan ng global supply ang itinuturong dahilan kung bakit mabagal ang pagdating ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ito ang naging sagot  ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa mga tanong kaugnay sa viral twitter post ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na “Nasaan ka Bakuna”?

Ani Galvez, “Kahit kalkalin po natin ang lupa wala po tayong makukuhang vaccine.”

Sa panayam kay Sen. Lacson, sinabi nitong kwestyunable ang pagiging huli ng bansa sa pagkuha ng suplay ng bakuna gayong Abril, May at Dec 2020 pa lamang ay naaprubahan na ang loan para dito.

Kung pagsasamahin aniya ang mga naaprubahang loan mula sa World Bank (WB), Asian Development Bank (ADB) at Asian Infrastracture Investment Bank, at ng Department of Finance (DOF) at ang P10B budget mula sa Bayanihan law ay aabot sa P126 B ang naipong utang ng pamahalaan para dito.

Pero giit ni Galvez,  hindi pera ang problema sa vaccination program kundi ang global supply gaya ng matagal na niyang sinasabi sa mga senador.

Aniya 80% ng supply ng bakuna sa buong mundo ay matagal ng  napunta sa mayayamang bansa.

Una namang ipinunto ni Lacson kung bakit sakabila ng may pera para sa bakuna ay bakit hindi nagawang agad na makakuha ng suplay ang bansa.

Matagal namang inanunsiyo ni Sec. Dominguez, wala tayong problema sa pera, nandiyan na yong pera kasi approved na ang mga loans, bakit hindi tayo nakipag-unahan sa pag-angkat ng bakuna.

Samantala, dahil pa rin sa kakulangan ng suplay ay muling nilinaw ni Galvez na sa 3rd quarter pa darating ang bulto bultong doses ng bakuna.

Aniya may kalabuan na makakuha agad ng suplay ng bakuna ang bansa mula sa Pfizer, Moderna at Jhonson and Johnson sakabila na may ginagawa na silang negosasyon.

Sa timeline na ibinigay ni Galvez, ngayong March ay darating ang 1.4M doses ng Sinovac Vaccine at 979, 000 Astrazenca mula sa Covax facility.

Sa buwan ng Abril ay 4M doses naman ang darating na bakuna mula Gamaleya at Sinovac.

More in National News

Latest News

To Top