Connect with us

Nasa 32,000 kabahayan sa Quezon City, isinailalim sa lockdown – Mayor Joy Belmonte

National News

Nasa 32,000 kabahayan sa Quezon City, isinailalim sa lockdown – Mayor Joy Belmonte

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nasa 32,000 na kabahayan ngayon ang nakasailalim sa lockdown sa kalagitnaan ng biglaang pagtaas ng COVID-19 infections.

Sa ngayon ay mayroong 34,000 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Quezon City at sa kabila nito ay hindi nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng granular lockdowns kundi house-to-house lockdowns.

Ayon kay Belmonte, hindi na sila magpapatupad ng granular lockdown dahil kung ganoon ay buong lungsod ang isasailalim dito.

Sa ilalim ng House-to-House Lockdown Policy, ang buong miyembro ng pamilya na nakatira sa iisang bahay ay hindi maaaring lumabas kung may isa sa mga miyembro nito ang nagpositibo sa virus.

More in National News

Latest News

To Top