Connect with us

Nasa 2-M tagasuporta ni BBM mula sa Mindanao, kinumpirma ng Partido Federal Pilipinas

Kinumpirma ng Partido Federal Pilipinas na mayroon itong inisyal na 2 milyong boto para kay dating Senador Bongbong Marcos na tatakbong pangulo sa darating na halalan.

National News

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Party President at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, sinabi nitong ang naturang bilang ng suporta ay nagmula sa grass roots level.

Dagdag pa ni Tamayo, marami pang partido ang nais makipag-alyansa kay BBM ngayong opisyal na itong nagdeklara ng kandidatura sa pagkapangulo.

Batay sa impormasyon ng partido, mayroon nang inisyal na 7 regional parties ang nakipag alyansa sa Partido Federal para palakasin pa ang pangangalap ng suporta para kay Bongbong ngayong May 2022 elections sa ibat ibang panig ng bansa.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top