Connect with us

Narco-politician, patay nang manlaban sa pulisya

Patay ang isang high-value target at narco-politician matapos manlaban sa pulisya.

National News

Narco-politician, patay nang manlaban sa pulisya

Patay ang isang high-value target at narco-politician matapos manlaban sa pulisya.

Kinilala ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang napatay na si dating Talitay, Maguindanao Mayor Montasser Sabal.

Naaresto si Sabal sa Port of Batangas kagabi pero habang ibinabiyahe ay nang-agaw umano ito ng baril.

Naisugod pa sa ospital si Sabal pero idineklarang dead on arrival.

Si Sabal ay nahaharap sa dalawang warrant of arrest kaugnay ng pagbebenta ng armas at droga.

Napag-alaman din na si Sabal ay nagsusuplay umano ng armas sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Samantala, arestado ang anim na kasama ng napatay na alkalde.

Kinilala ang anim na indibidwal na sina Norayda Nandang, Aika De Asis at Ailyn Compania, house helpers ng dating alkalde.

Gayundin sina Muhaliden Mukaram, Zuharto Monico at Wilson Santos, mga driver ni Sabal.

No description available.

Nasa kustodiya na ng PNP CIDG NCR sa Camp Crame ang anim na nahuli.

Inaalam na rin kung may kaugnayan sa pulitika ang pagbebenta ng armas ni Sabal lalo’t nalalapit na ang 2022 Elections.

 

No description available.

More in National News

Latest News

To Top