Connect with us

NAPOLCOM, naniniwalang may krimen sa loob ng UP

Sinuportahan mismo ng bagong itinalagang komisyuner ng National Police Commission (NAPOLCOM) vice chairman at executive Director Vitalliano Aguirre II ang ginawang hakbang ng Department of National Defense matapos nitong putulin ang tatlong dekadang kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines.

National News

Ayon kay Aguirre, sa kasunduan na ito, marami na ang napatay at naisakripisyong buhay sa loob mismo ng mga UP campus sa bansa.

Ito’y dahil sa ipinagbabawal sa kasunduan ang pagpasok ng mga militar at pulis sa bisinidad ng nasabing mga eskwelahan.

Giit ni Aguirre, masyado nang matagal ang kasunduan at gaya ng pahayag ng DND, karapatan nito na wakasan ang usapan dahil hindi na rin ito napapanahon gaya ng naunang pangamba ng mga taga- UP na naaabuso umano ang kanilang academic freedom at karapatang pantao lalo na sa larangan pagpapahayag ng kanilang saloobin sa gobyerno.

Hindi na rin lingid aniya sa kaalaman ng lahat na marami na ang mga kabataan na nalinlang ng mga rebelde dahil sa mga recruitment activity

Hindi rin ito naniniwala na dahil sa pagkamatay ng kasunduan ay namatay din ang ipinaglalaban na academic freedom ng mga eskwelahang sinasabing pugad ng mga rebelde.

Kaya naman, bukas ngayon si Aguirre na pag-usapan agad ang kapalaran naman ng sinasabing UP-DILG accord.

Sa ngayon hinihintay na lamang ng PNP ang magiging desisyon ng DILG para sa napipintong pagwawakas din ng kaparehong kasunduan sa pagitan ng UP-DILG accord.

Samantala, sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP sa bansa, personal na nagpasalamat si Police General Debold Sinas kay Pangulong Rogrigo Duterte sa suporta nitong ibinigay sa hanay ng Kapulisan lalo na ngayong humaharap ang bansa sa pandemiya.

More in National News

Latest News

To Top