Connect with us

Napatay sa shootout sa SLEX Calamba, sangkot sa robbery at gun running operation – NCRPO

Kinumpirma ni (NCRPO) Chief General Vicente Danao Jr., ang shooting incident na naganap sa South Luzon Expressway (SLEX) sa Calamba, Laguna.

National News

Napatay sa shootout sa SLEX Calamba, sangkot sa robbery at gun running operation – NCRPO

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief General Vicente Danao Jr., ang shooting incident na naganap sa South Luzon Expressway (SLEX) sa Calamba, Laguna.

Sa pahayag , sinabi nito na ang naganap na barilan sa pagitan ng mga tauhan ng NCRPO at ang armadong grupo na sangkot sa serye ng robbery at gun running operations sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Narekober ang bulto bultong pera, ID at chapa ng isang pulis, dalawang caliber .45 pistol sa van na sinasakyan ng mga napatay na suspek.

Patuloy naman ang isinagawang malalimang  imbestigasyon kagnay sa nasabing insidente.

No description available.

Sa naganap na insedente, unang nakatanggap  ng report ang  Regional Intelligence Division Anti Carnapping Unit  (RID-ANCAR) ng PNP Calabarzon na isang Chinese ang dinukot ng grupo sa Asiana Paranaque City gamit ang isang puting Toyota Hi-ace.

Dahil dito, agad nagsagawa ng patrol ang RID-ANCAR sa may Katimugang bahagi o southern part ng NCR kung saan nakita ang nasabing Toyota hi-ace patungong SLEX.

Nang makarating sa Cabuyao exit, natunugan ng mga suspek ang presensiya ng RID-ANCAR.

Biglang nagpaputok ang mga suspek habang hinahabol sila ng mga operatiba.

Sa CCTV footage ng Slex Silangan, bandang alas-2:13 , June 3 ng hapon, makikita ang pagporma ng mga operatiba ng PNP RID-ANCAR  sa nakatigil na puting hi toyota hi ace sa lugar.

Sa kuha, kitang kita na tadtad na ng bala ang harapang bahagi ng van ngunit tuloy ang pakikiramdam ng mga operatiba sa kilos ng mga suspek sa loob ng sasakyan.

Maya’t maya pa, dalawang armadong pulis ang tumakbo sa kanang likurang bahagi na may kalayuan sa sasakyan habang ang isa naman ay padapa na nakapwesto sa kaliwang bahagi ng van.

Sa unahan, makikita ang isang lalake na aktong inaasinto ang harapan ng bahagi ng van.

Eksaktong alas 2:14 ng hapon, ilang putok ang tumama sa kanang bahagi sa unahan ng sasakya ng mga suspek.

Makaraan ang isang minuto, 2:15, dahan dahan ng nilapitan ng mga operatiba ang sasakyan at binuksan ang pintuan kung saan nakasakay ang mga suspek.

Dito na nakita ang nakabulagtang hindi pa nakikilang mga miyembro diumano  ng isang kidnap  for ransom group.

More in National News

Latest News

To Top