nakarekober coronavirus disease 2019

Nakakarekober sa COVID-19 sa Pilipinas, mahigit 1,200 na

National News

Patuloy ang pagtaas ng mga nakakarekober sa kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health, nakapagtala ng panibagong 90 ang nakarekober.

Dahil dito tumaas pa sa bilang na 1,214 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na sa bansa.

Nakapagtala rin ang DOH ng panibagong 4 na nasawi upang tumaas pa sa bilang na 607 ang mga namatay na dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, tumaas pa sa bilang na 9,223 kaso ng COVID-19 sa bansa.