Connect with us

Nagkabanggaang Hongkong vessel at bangka ng mga Filipino fishermen, nagkasundo na

National News

Nagkabanggaang Hongkong vessel at bangka ng mga Filipino fishermen, nagkasundo na

Kinumpirma ngayon ng Philippine Coast Guard na mayroon nang nabuong settlement agreement o kasunduan sa pagitan ng Hong Kong Vessel na MV Vienna Wood at ang FV Liberty 5 ng mga mangingisdang Pinoy na nagkabanggaan sa karagatang sakop ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Sinabi ni Coast Guard Commandant Adrmiral George Ursabia Jr. nagkaroon na ng pag-uusap ang mga opisyal ng MV Vienna Wood at ang mga kamag-anak ng mga mangingisdang sakay ng FV Liberty 5.

Nakasaad anya sa naturang kasunduan na makatatanggap ng tig-P1 milyong piso mula sa MV Vienna ang bawat pamilya ng 12 mangingisdang Pinoy at ang dalawa nitong pasahero na nawawala pa rin matapos lumubog ang kanilang barkong pangisda.

Tatanggap naman ang Irma Fishing and Trading Corporation o ang kumpanyang may-ari ng naaksidenteng FV Liberty 5 ng P40 milyong  bilang settlement para sa nasira nitong barko.

More in National News

Latest News

To Top