Connect with us

Nag-AWOL na pulis at sinasabing lider ng Cubos Criminal Group, nasawi nang manlaban

Patay matapos umanong manlaban ang sinasabing mastermind sa pagpatay sa company messenger sa Valenzuela City noong Oktubre 2020.

National News

Nag-AWOL na pulis at sinasabing lider ng Cubos Criminal Group, nasawi nang manlaban

Patay matapos umanong manlaban ang sinasabing mastermind sa pagpatay sa company messenger sa Valenzuela City noong Oktubre 2020.

Sa ulat kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kinilala ang suspek na si Anthony Cubos, alyas “Big Boss”.

Isisilbi sana ng Lipa City Police, Provincial Drug Enforcement Unit, at Valenzuela City Police ang warrant of arrest kay Cubos nang paputukan ang awtoridad.

Si Cubos ay nag-AWOL na pulis at sinasabing lider ng Cubos Criminal Group na sangkot sa kidnapping, robbery-extortion, gun-for-hire at illegal drugs.

No description available.

Kabilang din siya sa PRRD Level 3 at PNP National Drug Watchlist ng mga tulak at protektor ng iligal na droga.

No description available.

Itinuturo si Cubos na utak umano sa pagpatay kay Nino Luegi Hernando at tumangay sa mahigit 400,000 pisong payroll na dala ng biktima.

Samantala, nauwi sa engkwentro ang Oplan Sita sa San Fernando City, Pampanga.

Sa ulat ng San Fernando Police Station, nasawi ang apat na carjacking/robbery suspects na sakay ng kulay pulang kotse.

No description available.

Sa halip na huminto sa checkpoint ay pinaputukan umano ng mga nakasakay sa kotse ang pulisya dahilan para gumanti rin sila ng putok.

Narekober sa crime scene ang apat na baril, magazines at ang sasakyan ng ginamit ng mga suspek.

Dinala na sa punerarya sa San Fernando, Pampanga ang labi ng apat na suspek.

More in National News

Latest News

To Top