Matapos ang isinagawang surveillance, naaresto ng pulisya si dating Congressman Ruben Ecleo at isa pang kasamahan sa operasyon sa San Fernando, Pampanga, kaninang 4:30 ng umaga.

No. 1 most wanted ng DILG na si dating Cong. Ecleo, naaresto na

National News

Matapos ang isinagawang surveillance, naaresto ng pulisya si dating Congressman Ruben Ecleo at isa pang kasamahan sa operasyon sa San Fernando, Pampanga, kaninang 4:30 ng umaga.

Sa ulat ni NCRPO chief Police Major General Debold Sinas kay PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa, inaresto si Ecleo sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 3 (e) ng RA 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” na inilabas ng 1st Division Sandiganbayan.

Habang hinuli rin ang driver ni Ecleo na si Benjie Relacion Fernan alyas Smile para sa paglabag sa Section 1 (c) ng PD al Offenders.”

Nabatid na si Ecleo ang number 1 sa most wanted list ng DILG at may patong na 2 milyong piso.

Dinadala na ang dalawa sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.