Connect with us

Na-neutralize na Abu Sayyaf, halos 300 na – AFP

Hindi dapat katakutan ang Anti-terrorism law.

National News

Na-neutralize na Abu Sayyaf, halos 300 na – AFP

Patuloy na nadagdagan ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na napatay, nahuli o sumuko sa pinaigting na operasyon ng militar.

Kasunod ito ng pagkakapatay kina Abu Sayyaf Sub-Leader Injam Yadah, Al-Al Sawadjaan, kapatid ni Mundi Sawadjaan at 2 pang miyembro ng grupo sa Jolo, Sulu.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, umabot na sa 292 na Abu Sayyaf ang na-neutralize ng militar.

Sa nasabing bilang ay 119 Abu Sayyaf ay mula sa Sulu, 26 sa Basilan, 7 sa Tawi-Tawi at 3 sa Zamboanga.

Habang 100 terorista ang mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), 13 sa Dawlah Islamiyah-Turaife Group (DITG), at 24 sa Dawlah Islamiyah-Maute Group (DIMG).

Tuloy-tuloy naman ang pagtugis ng militar sa iba pang miyembro ng Abu Sayyaf at iba pang teroristang grupo sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top