MWSS regulatory office, sinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19

Metro News

Pansamantalang sarado simula ngayong araw, Hulyo 29 ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) regulatory office para magsagawa ng disinfection at iba pang safety measures.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang empleyado.

Ayon sa MWSS, naka-quarantine na ang pasyente at ginagawa nila ang lahat para matulungan ang apektadong pamilya.

Bukod sa disinfection, magsasagawa rin ang ahensya ng contract tracing, swab testing, isolation at monitoring protocols sa kasagsagan ng closure.

Tiniyak naman ng MWSS na magpapatuloy ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng work at home arrangement hanggang wala pang inilalabas na bagong abiso.