Connect with us

Multilateral talks, isinusulong ni VP Robredo sa pagresolba sa WPS

Isinusulong ngayon ni Vice President Leni Robredo ang pagsasagawa ng 'multilateral talks' para resolbahin ang tensyon sa West Philippine Sea.

National News

Multilateral talks, isinusulong ni VP Robredo sa pagresolba sa WPS

Isinusulong ngayon ni Vice President Leni Robredo ang pagsasagawa ng ‘multilateral talks’ para resolbahin ang tensyon sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Robredo, maging ang mga eksperto ay nagsusulong din ng multilateral talks dahil kung gagawin lang ito sa pamamagitan ng bilateral talks sa China, malalagay aniya sa alanganin ang Pilipinas.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo, kung multilateral talks, hindi lang Pilipinas at China ang mag-uusap kundi kasama na rin ang ilang mga bansang mayroong katulad na concern ng bansa.

Giit ni Robredo, mas makatutulong ang multilateral talks para mapangalagaan ang interes ng Pilipinas.

Binigyang-diin din ni Robredo na tulad niya, kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay aminado rin na walang kakayahan ang Pilipinas na makipaglaban dahil kawalan ng resources, at iba pa.

Samantala, hinimok ni Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel ang gobyerno na magtayo ng naval ‘forward operating bases’ (FOBs) sa bahagi ng West Philippines.

Ito, ayon sa mambabatas ay para makaposisyon na agad ang Philippine Navy sa pinag-aagawang teritoryo para mapigilan ang China na kontrolin ang mga bahura o isla na sakop ng 200-nautical mile exclusive econimic zone ng Pilipinas.

Kabilang sa mga lugar na iminungkahi ni Pimentel na pagtayuan ng FOBs ay ang mga bayan ng Balabac at Busuanga sa Palawan, at sa Subic Bay.

Giit ni Pimentel, sa ganitong paraan, maiwasang maulit ang insidente noong 2012 kung saan nagawang okupahin ng China ang Scarborough shoal.

More in National News

Latest News

To Top