Connect with us

Muling paghaharap ni Mike Tyson at Lennon Lewis, tuloy sa Setyembre

Muling paghaharap nina Mike Tyson at Lennon Lewis, kumpirmado ngayong setyembre

Sports

Muling paghaharap ni Mike Tyson at Lennon Lewis, tuloy sa Setyembre

Tuloy na ang muling paghaharap sa ring ng mga dating heavyweight boxing champion na sina Mike Tyson at Lennon Lewis.

Ito ang kinumpirma ni Tyson kasunod ng hindi pagkakatuloy sa rematch nito laban kay Evander Holyfield na itinakda sana ngayong ika-29 ng Mayo dahil sa hindi pagkakasundo sa usapang pera.

Sa darating na Setyembre naman itinakda ang muling paghaharap ng 54-year old American professional boxer na si Tyson at ng 55-year old former heavyweight champ Lewis na gaganapin sa Los Angeles, California.

Matatanda na unang nagkaharap ang dalawa noong June 2002 kung saan tinalo ni Lewis si Tyson via knockout sa ikawalong round.

Continue Reading
You may also like...

More in Sports

Latest News

To Top