Connect with us

Muling pagbuhay ng renewal sa prangkisa ng ABS-CBN, pinalagan

Pinalagan ni Atty. Larry Gadon ang panukalang muling pagbuhay sa prangkisa ng ABS-CBN.

National News

Muling pagbuhay ng renewal sa prangkisa ng ABS-CBN, pinalagan

Pinalagan ni Atty. Larry Gadon ang panukalang muling pagbuhay sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ani Gadon, ang hakbang ng senado ay isang malinaw na paglabas sa batas.

Ito ang inihayag ni Atty. Gadon sa panayam ng Sonshine radio, “Isa ako sa mga unang-unang nagreklamo do’n sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. Unang-una, itong hakbang ng senado na ito, wala sa batas ‘yan sapagkat all private bills and franchise bills should emanate or originate from the house of representatives.”

Ani Gadon, hangga’t hindi gumagawa ng hakbang ang House of Representatives, hindi rin aniya maaring kumilos ang Senado.

 

Dagdag pa Gadon, binasura na ng kongreso ang nasabing franchise renewal ng ABS-CBN sa botong 70/5, pabor na hindi na maaring mag-renew ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa mga nakitang paglabag.

Kaugnay nito, patay na ang isyu ng renewal ng prangkisa nito.

Nauna namang kinuwestyon ng abogado ang komento ng mga senador na nagpahayag ng kanilang suporta sa pagbuhay sa franchise renewal ng Kapamilya network.

” Kelan pa ginawa na ang konsepto ng Senado ay maghusga kung ano ang mganda na mga TV shows?”

Binigyang diin naman nito na ito ay trabaho ng MTRCB at may kapangyarihan silang utusan ito para ipaayos ang ga palabas.

Aniya,”Ganun ba kababa ang role ng Senado na mamrublema sa mga TV Shows.

More in National News

Latest News

To Top