COVID-19 testing capacity tumaas

MRT-3, humingi ng suporta sa IATF para sa kanilang COVID-19 test

Metro News

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 ng mga tauhan ng MRT-3, ay nananawagan na ito ngayon ng tulong sa Inter-Agency Task Force.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay MRT-3 Director Mike Capati, kailangan nilang maisailalim ang lahat ng kanilang tauhan sa depot at station sa swab test upang matukoy ang lahat ng positibo sa COVID-19.

Kaugnay nito, sa oras na magbalik ang kanilang operasyon sa mga susunod na araw ay kanilang titiyakin na ang lahat ng mga tauhan nilang idedeploy ay mga COVID-19 free.

Sa ngayon, dalawang araw ng pansamantalang suspendido ang operasyon ng MRT-3 upang bigyan daan ang disinfection sa mga tren at para matest ang mga tauhan ng MRT-3.

Magsasagawa ng manu-manong contact tracing ang pamunuan kapag muling nag-balik na ang operasyon nito.

Kasabay nito, umaapela rin si Dir. Capati sa mga mananakay na gumamit na ng MRT-beep card upang maiwasan ang hawaan ng virus sa pamamagitan ng pagbabayad ng pera.

Samantala, target ng pamunuan ng MRT-3 na makabalik-operasyon sa araw ng linggo o lunes Hulyo 13.