Connect with us

Mosyon ni Sen. Leila de Lima sa kaniyang illegal drug case, ibinasura

Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang mosyon nina Sen. Leila de Lima at kanyang dating driver na si Ronnie Dayan kaugnay ng illegal drug case.

National News

Mosyon ni Sen. Leila de Lima sa kaniyang illegal drug case, ibinasura

Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang motion for reconsideration nina Sen. Leila de Lima at kanyang dating driver na si Ronnie Dayan kaugnay ng illegal drug case.

Nanindigan naman ang Muntinlupa RTC na hindi maaring madismiss ang isa sa dalawang natitirang kaso ng Senadora.

Sa Criminal Case number 17-165 ay kasama ng senadora ang kaniyang dating driver at bodyguard na si Ronnie Dayan na nasasangkot sa kaso.

Maging si Dayan ay naghain ng magkatulad na apela pero ito ay ibinasura din ng korte.

Ayon kay Judge Leizel Acquiatan, kailangang maghain ng ebedensya ang dalawang kampo para patunayang inosente ang mga ito sa kasong isinampa sa kanila.

Ngayong araw ay naka-schedule na makapagpresenta ng ebedensya ang kampo ni Dayan pero humirit ito sa korte na ilipat sa ibang petsa ang paghahain nito ng ebedensya – bagay naman na pinagbigyan ng judge.

Dahil dito, binigyan sila hanggang sa March 26 at April 15 para magpresinta ng kanilang hawak na ebedensiya.

Sinabi naman ni Atty. Felibon Tacardon, abogado ni De Lima,  susubukan nilang mareverse ang naging hatol ng husgado.

Dahil sa naging desisyon ng korte ay kailangang magpresenta ng ebedensya ang senadora para patunayan na inosente ito sa kaniyang kinakaharap na kaso.

Ani Atty.Felibon Tacardon ang abogado ni Sen. De Lima,”Ang kaniyang order na denying our motion for reconsideration of the omnibus order denying petition for bail and demurrer for evidence so technically because of the denial , Sen. de Lima should represent her evidence soon to prove for her innocence pero the legal team will still study the order that she release their morning and we are currently setting what other legal to convince the judge to help this order reverse.”

Sa unang apela ni De Lima,  hindi siya nakatanggap ng ₱10M kickback mula sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison habang ito ay nakaupo bilang justice secretary.

Matatandaan na ang paratang ay nanggaling  kay Dating BuCor Officer in Charge Rafael Ragos na siya pa umano ang nagdadala ng pera sa bahay ni De Lima.

Magsisimula naman sa March 26 ay magkakaroon na ng lingguhang paglilitis sa kaso ng senadora.

Matatandan na una ng ibinasura ang isa sa tatlong drug cases ng dating justice secretary.

More in National News

Latest News

To Top