Connect with us

Most wanted person sa Zambales, huli makalipas ang ilang taong pagtatago

Most wanted person sa Zambales, huli makalipas ang ilang taong pagtatago

Regional

Most wanted person sa Zambales, huli makalipas ang ilang taong pagtatago

Arestado ng awtoridad ang isa sa most wanted person sa Zambales, makalipas ang 6 na taong pagtatago sa batas.

Sa ulat ni Police Colonel Romano Cardiño, provincial director ng Zambales Police, kinilala ang suspek na si Felimon Duero, 60 taong gulang.

Naaresto si Duero sa Subic, Zambales sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong frustrated murder na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 72 sa Olongapo City noong pang Oktubre 2015.

Napag-alaman na si Duero ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Domingo Mergas sa Subic, Zambales noong Mayo 2015.

Tiniyak naman ni PRO 3 regional director Police Brigadier General Matthew Baccay ang pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa mga nagtatago sa batas sa kanilang rehiyon.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top