Connect with us

Modular hospital para sa may malubhang kaso ng COVID-19, bukas na

Makabago at kumpleto. Ganito ang loob ng pinasinayaang modular hospital sa loob ng Quezon City Institute.

National News

Modular hospital para sa may malubhang kaso ng COVID-19, bukas na

Makabago at kumpleto.

Ganito ang loob ng pinasinayaang modular hospital sa loob ng Quezon City Institute.

Dalawang buwan itong trinabaho ng Department of Public works and Highways (DPWH) at minadali dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa bansa.

Ang pasilidad na ito ay Intensive Care unit o ICU ready para sa mga moderate at severe COVID-19 patients.

Nasa 110 kuwarto ang bagong modular hospital kung saan may sarili itong  ICU unit at  kaya nitong mag- accomodate ng 22 pasyente.

Isa lamang ito sa patunay na ginagawang lahat ng Administrasyong Duterte  ang lahat ng paraan para malabanan ang pandemya.

Ayon kay Dr. Wes Llauderes ang Chief of Professional Staff ng Modular Hospital ,”Common source siya, kapag ang oxygen ay dito nalang so dirediretso na yung oxygen supply kasi yun yung importante sa pasyente na may COVID. O yung mga that needs oxygen support. Atleast pag hook dito tuloy tuloy na ang pagbibigay ng oxygen namin and we have also the cardiac monitors na kailangan din kung sakali imonitor namin ang oxygen saturation ng pasyente, heart rate nila, pulse rate nila.”

Nasa P240 million naman ang budget dito kasama na ang quarters ng mga doktor at health workers na magmamando dito.

Nakatakda ring magdaragdag pa ng 88 rooms sa loob ng QI ang DPWH.

Sa ngayon, mahigit sa 23,000 isolation beds na ang naipatatayo ng DPWH sa buong bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top