modified EDSA MMDA

Modified EDSA, pinaghahandaan na ng MMDA

National News

Ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang modified EDSA kasabay ng pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila sa Lunes.

Sinabi ng MMDA na ililipat ang mga bus lane sa inner lane ng EDSA katabi ng Metro Rail Transit (MRT) line 3.

Tinanggal na rin ang mga center island sa ilang bahagi ng EDSA upang gamiting bus stop at doon magbababa at magsasakay ng mga pasahero.

Gagamitin din ang mga foot bridge na maging bus stop sa kahabaan ng EDSA.

Ayon pa sa MMDA, magkakaroon pa ng second base ang modified EDSA at sisikapin nilang makapaglagay ng bus stop sa bawat isang kilometrong layo.