Connect with us

Modernisasyon sa Philippine Customs, tinalakay ng Pilipinas at Japan

Modernisasyon sa Philippine Customs, tinalakay ng Pilipinas at Japan

National News

Modernisasyon sa Philippine Customs, tinalakay ng Pilipinas at Japan

Itinuturing ng Japan Customs at ng Bureau of Customs (BOC) ng Pilipinas na matagumpay ang idinaos na workshop na may temang “Customs Modernization for the Philippine Customs” sa tulong naman ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

​Sa isinagawang 3 araw na workshop ay tinalakay at ibinahagi ng Japan Customs ang kanilang kaalaman sa capacity building practices kaugnay sa customs modernization; human resource and training development, at chemical analysis.

Mahalaga anyang natalakay ang mga nasabing isyu dahil bahagi ito ng pinag-aaralan sa Philippine Customs Training Institute at sa pagpapatatag ng Philippine Customs Laboratory.

​Hindi anya ito ang unang pagkakataon dahil sa loob ng maraming nakalipas na mga taon ay nagkaloob na ang Japan Customs sa Philippine Customs ng mga technical assistance sa pamamagitan ng JICA’S Technical Cooperation Program.

More in National News

Latest News

To Top