Connect with us

Modernisasyon ng Pasig River Ferry System, nasa ‘blue print’ ng BBM-Sara UniTeam

Modernisasyon ng Pasig River Ferry System, nasa ‘blue print’ ng BBM-Sara UniTeam

National News

Modernisasyon ng Pasig River Ferry System, nasa ‘blue print’ ng BBM-Sara UniTeam

Iginiit ng BBM-Sara UniTeam na nasa kanilang ‘blue print’ ang planong modernisasyon sa Pasig River Ferry System bilang isa sa alternatibo at mabisang solusyon upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kikilos agad silang dalawa ni Mayor Sara Duterte matapos silang manalo sa halalan ngayong darating na Mayo para bigyang prayoridad ang pagpapaunlad sa transportasyong pang-lantsa sa babaybayin ng Ilog Pasig na nag-uugnay sa Laguna de Bay hanggang Manila Bay.

Dagdag pa niya importante na i-modernize at palakasin ang Pasig River Ferry System sapagkat malaking tulong ito hindi lamang upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila, kundi magreresulta rin sa mas maunlad at masiglang ekonomiya.

Base sa pag-aaral na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong Pebrero 2018, lumalabas na nawawalan ng P3.5-B na potensyal na kita kada araw ang bansa dahil sa matinding trapiko sa Metro Manila

At kung hindi malulutas agad aabutin pa sa hanggang mahigit P5-B kada araw pagsapit ng dekada 2030, ayon pa rin sa JICA.

Dahil dito, pabibilisin din nilang dalawa ni Mayor Sara ang pag-apruba sa isinusulong na Pasig River Ferry Convergence Program ng Duterte administration.

More in National News

Latest News

To Top