Umaarangkada na sa ilang barangay ng Lungsod ng Maynila ang mobile serology testing clinic para sa contact tracing sa mga nakahalubilo ng tinamaan ng COVID-19.

Mobile serology testing clinic, umaarangkada na sa lungsod ng Maynila

Metro News

Umaarangkada na sa ilang barangay ng Lungsod ng Maynila ang mobile serology testing clinic.

Prayoridad ng nasabing mobile COVID-19 testing ay ang isinasagawang contact tracing sa mga lugar na may mataas na kaso ng sakit.

Matapos binuksan ng Manila City Government ang drive thru at walk in  COVID-19 testing center sa isa ibang bahagi ng lungsod ay pinasinayaan naman ngayong araw ng  Manila LGU ang mobile serology testing clinic sa ilang barangay ng Maynila

Sa panayam ng Sonshineradio kay Barangay 836 Zone 91 Chairman Dennis Soberano, prayoridad sa ginawang testing clinic sa kanilang lugar ay ang pagtukoy sa yaong mga nakasalamuha ng 9 na nagpositibo sa swab test sa kanilang baranggay.

Napag-alaman ng naturang kapitan na nitong buwan lamang ng Hulyo ay 9 na ang  naitalang nagpositibo sa kanilang baranggay.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang mga ito sa mga pasilidad.

Layunin naman ng mobile testing trucks na agarang suriin ang mga kaso ng COVID-19 nang maiwasan ang patuloy na paglaganap nito sa mga barangay.

May kapasidad naman ang naturang mobile testing na sumuri ng 100 blood samples kada araw na libreng isinasagawa ng Manila Health Department (MHD), Manila Barangay Bureau (MBB) at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Una nang nilinaw ni Manila City Mayor Isko Moreno na hindi mass testing o rapid test ang ginagawa sa drive thru at walk-in testing centers, kundi ito ay serology anti -body lab testing na mas higit na mabisa.

Ayon kay Moreno ang blood sample ay kukunin sa sinumang mag-avail  ng libreng COVID-19 testing at isasailalim naman ito sa serology test.

Nilinaw din ni Moreno na ang ginagamit ng Manila LGU ay ang highest category ng  laboratory testing kung saan gamit dito ay ang Clinical Laboratory Improvements Amendments (CLIA).

Ani pa ni Domagoso, pinili itong gamitin dahil ito ay higit na sensitibo at epektibo kaysa rapid test.

Ibig sabihin meron pang natagpuan ang manila lgu na mas  mabisa pa sa rapid test.

Patuloy naman sinusunod ng lokal ng pamahalaan ang who at doh protocol gold standard of testing.